Kilalanin: Mga uri ng Ghoster
- BULGAR
- Jul 31, 2022
- 2 min read
ni Mharose Almirañez | July 31, 2022

Naranasan mo na bang pakiligin sa matatamis na salita at bigla na lamang maiwan sa ere?
Don’t worry, beshie, may solusyon d’yan si 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr., ang Anti-Ghosting Bill o House Bill 611: An Act Declaring Ghosting as an Emotional Offense.
Sa ilalim nito, maituturing na “emotional abuse” ang panggo-ghost nang walang makatwirang dahilan, sapagkat maaari itong magdulot ng emotional distress sa biktima.
Dagdag pa ni Rep. Teves, nangyayari ang Ghosting kapag nasa “dating relationship”.
Aniya, masasabi lamang na dating relationship ang dalawang indibidwal kapag tila mag-asawa ang concerned parties na hindi kasal o tuluy-tuloy na romantically involved.
Kaya sa mahilig mang-ghost d’yan, kita na lang kayo sa korte!
Ang totoo, dalawa lang naman ang posibleng rason kung bakit may nanggo-ghost at nago-ghost. It’s either takot silang maiwan o takot silang magpakatotoo sa feelings nila.
So, ano ang pinagkaiba ng mga ito? Narito ang sagot:
1. TAKOT MAGPAKATOTOO. Falling out of love ang pinaka-nakakatakot na stage sa isang relasyon. ‘Yung tipong, hindi mo maipaliwanag ang nangyari. Basta paggising mo isang umaga ay biglang hindi mo na siya mahal. Kaya mo nang palipasin ang buong araw nang hindi siya nakikita o nakakausap, kumbaga, hindi mo na siya hinahanap-hanap at parang okey lang sa ‘yo kung mawala siya. Puwede ring nasanay ka na sa sitwasyon n’yo, kaya sa halip magpakatotoo sa iyong nararamdaman ay bigla ka na lamang maglalaho na parang bula. Hindi mo ipapaliwanag ang side mo, basta no explanation at all.
2. TAKOT MAIWAN. Sila ‘yung nakakakutob na maiiwan sila sa ere, kaya sa halip na ipagpatuloy ang relasyon ay uunahan na nila sa pang-iiwan ang karelasyon. Masyado silang takot maiwan o takot matapakan ang pride, kaya bago pa sila masaktan nang todo-todo ay sila na ang unang bibitaw at mang-iiwan.
So, sino ka sa dalawang ‘yan, beshie?
Payong ka-BULGAR, ‘wag mong ikatakot ang maiwanan dahil people come and go naman.
Huwag mo rin siyang unahan sa panggo-ghost, sapagkat part of growing up ang mabigo.
Kung masaktan ka man, ibig sabihin lang nu’n ay nagmahal ka talaga.
Unang-una, pag-usapan n’yo ang problema. Pangalawa, ipaliwanag mo sa kanya kung bakit kailangan mo siyang iwan. Hindi naman porke iiwanan mo siya ay nangangahulugang hindi mo na siya mahal, puwede rin kasing mahal mo siya, kaya palalayain mo na siya. ‘Yun bang, alam mo kung saan siya mas magiging masaya.
Pangatlo, baka puwede n’yo pang ayusin.
And please, kung napo-fall out of love ka man, huwag mong ikatakot ang pagpapakatotoo sa iyong sarili. Hangga’t maaga ay aminin mo na sa partner mo ang problema. Sabihin mong hindi ka na masaya, wala na ‘yung spark, wala na ‘yung thrill at wala na ‘yung exciting part. Yes, masasaktan siya, pero deserve niya rin namang malaman ‘yung totoo, ‘di ba? Deserve niya ‘yung closure.
Sa kabilang banda, nakakalungkot lamang isipin na kailangan pa ng ganitong klase ng bill, gayung napakaraming problema sa bansa na mas dapat tutukan.
Ngayong may isinusulong na Anti-Ghosting Bill sa Kamara, sana ay huwag mo na gawing bisyo ang panggo-ghost dahil hindi biro ang sakit na dulot ng ghosting. Nakakabaliw maging clueless kung bakit tayo iniiwan. So, please, kung ayaw mong umabot kayo sa korte at selda, ‘wag kang mang-ghost.
Okie?








Comments