Kiko at Frankie, kaya in-unfollow sa IG… SIGAW NI KC: GUSTO KONG MAGING MASAYA AT MAY PEACE OF MIND
- BULGAR
- Aug 30, 2023
- 4 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 30, 2023

Sa viral issue ngayon kay KC Concepcion na hindi na niya pina-follow sa kanyang Instagram account ang Daddy Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie Pangilinan pero pina-follow naman niya ang kapatid na si Miel Pangilinan na hindi naman siya pina-follow back, inaabangan kung ano ang stand ng kanyang Mama Sharon Cuneta-Pangilinan.
Wala kasing reaksiyon si Sharon ngayon, na kilalang vocal din sa bawat isyung may kinalaman sa mga miyembro ng pamilya niya.
Ito ang tanong ni Nanay Cristy Fermin kay KC nang maging guest nila ito ni Romel Chika sa programang Cristy Ferminute kahapon nang tanghali na napanood at napakinggan sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at One PH YouTube Channel.
“Naku po, ako po, love na love ko ang mommy ko kahit ano pa ang mangyari, Tita, and mommy ko, kami na ‘yan, eh.
“Bata pa lang ako, best friend ko na ‘yan si Mama and kahit ano pa ang marinig namin pareho at maraming bumubulong ng kung anu-ano about her sa akin and about me sa kanya, ang gusto ko lang sabihin is, ano bang gusto n’yo (bashers), masira kaming mag-nanay or maging close kaming mag-nanay?’
“Kasi kung papasok kayo sa buhay namin, 'wag n’yo kaming ipaghiwalay! You know, sa akin kasi, at the end of the day, mag-nanay kami, eh. Nagmamahalan kami and dumating kami, Tita, ng mommy ko sa point na nakita niya kung kaya ko ring alagaan ang Mamita (Mrs. Elaine Gamboa-Cuneta) ko po, lola ko, kasama niya (Sharon) kaming dalawa, nag-alaga kay Mamita.
“What more ako sa kanya (Sharon), ako ang panganay niya! So, meron akong feeling na malalaman din ni Mama kung gaano ko siya kamahal pagdating ng panahon. Wala nang ibang mas puwedeng magmahal sa kanya kung paano ko siya mahalin and hindi man ako asawa, hindi man ako manager, hindi man ako nakatira sa kanya, pero mahal na mahal ko ‘yang nanay ko na ‘yan.
“Hindi ako perfect, nagkakamali ako katulad ng ibang mga anak ng magulang, but I do my best to… minsan, tahimik na nga lang ako, Tita, kasi gusto ko na lang makita ng tao o ng family ko ang puso ko kung sino talaga ako kesa i-defend ko ‘yung sarili ko kapag may mga tsismis. Kaya mas gusto ko pong tumahimik and time will tell na lang po,” ang magandang pahayag ni KC.
Samantala, sinabi ni ‘Nay Cristy na hindi niya malilimutan ang sinabi ni KC noon na, “Ako ang nag-iisang anak ng parents ko, ako ‘yung panganay, pero ako ‘yung homeless."
“Anak, pinaiyak mo ako ru’n. Hanggang ngayon, nakatanim sa puso ko ‘yun. Gaano katindi ang emosyon ng isang anak na tulad mo? Oo, nag-iisa kang anak. Oo, ikaw ang panganay, may mga kapatid ka, half-sisters and half-brother, 'Ako ang homeless,' saan nanggagaling ‘yun?”
Halatang nangilid din ang luha ng dalaga pero pinigilan na maging emosyonal.
“Parang ano po, ang ibig kong sabihin sa ganu’ng word, nasa gitna po lagi ang katulad ko, eh. Kahit po tanggap kayo nu’ng dalawang families, close naman po ako sa families ng mommy (Pangilinan) ko at ng papa ko (Concepcion), I think marami pong makaka-relate sa akin na mga only child ng naghiwalay na parents.
“Mahirap po (at) wala naman may kasalanan, sadyang iba pa rin po ‘yung pakiramdam na lumaki ka from beginning to end na parang buo ang family na umpisa pa lang, ‘yun na.
“Like ‘pag kasama ko po ‘yung mga pinsan ko sa Cuneta side, ganu’n po, ‘yung nararamdaman ko na may connect sa childhood mo na parang kayo ‘to and mahal na mahal ko naman po ‘yung families ko, pero meron at meron pa ring complications sa family.
“Pero I’m very grateful naman po, hindi naman para sabihing hindi ka grateful, of course napaka-thankful ko po na tanggap ako ng both families, ‘yun nga lang po minsan, siyempre, iba pa rin ‘yung feeling.
“Even din sa mga parents na in-adopt ka or tinanggap ka, depende rin po sa pamilya. ‘Yun po minsan, may mga moments lang na kahit hindi sinasadya, medyo mapi-feel mo rin na medyo naiiba ka sa iba,” kuwento ni KC.
At saka tinanong ng CFM host kung bakit niya in-unfollow ang Daddy Kiko Pangilinan at ang half-sister niyang si Kakie.
Nagpasintabi muna si Nanay Cristy tungkol dito at masasabing advanced pamasko na ito sa kanila ni Romel Chika.
“Kapag showbiz po talaga, Tita, parang (muwestra ng dalawang kamay) lumaki. Hindi naman po masama na magkaroon ng time na meron kayong ina-unfollow, meron kayong ipa-follow.
Mahirap lang po talaga kapag showbiz po ang family, lahat pinupuna po.
“Pero ‘yung sa akin po, like I said, may mga complicated po talaga pagdating sa blended family, meron din talagang mga times na hindi po perfect. Hindi po kami perpekto at hindi po talaga kailangang perfect. So, wala naman akong gustong ikuwento pa apart from the fact na I just want peace of mind, I want to be happy, I want my family to be happy.
“Ang gusto ko lang is maging light, maging masaya, ayaw ko na ng maraming drama, ayaw ko nang (nag-iisip ng tamang term), ‘yung forgiveness kasi sa family, important din ‘yun para maging okay ang takbo ng relationship ng lahat and mas gusto kong piliin ko ‘yung peace of mind ko, Tita,” makahulugang sagot ni KC.
Dagdag pa, “Lahat ng ginusto ng family ko na gawin ko, ginawa ko, nagtapos ako ng kolehiyo, nagtrabaho ako, inalagaan ko po ang career, minamahal ko po ang mga tao, talaga pong ginagawa ko ang lahat para maging mabuting anak, mabuting ate kahit po ‘yung mga half-sisters ko na hindi ko na po kasama sa bahay, pinilit kong maging close kami, from Garie (anak ni Gabby kay Grace Ibuna), to Cloie (anak ni Gabby kay Jenny Syquia), to Frankie, Miel, Miguel (anak ni Sharon kay Kiko), to Samantha, Savanna (anak ni Gabby sa asawang si Genevieve Yatco Gonzales). Close po ako sa mga half-sisters at half-brother ko.
“Mas gugustuhin ko pong i-keep ang aking peace of mind, kasi po 30’s na rin po ako, hindi na ako bata kaya may mga moments na (bumuntong-hininga), isipin ko rin muna ang mental health ko kung ano ang makakabuti sa peace of mind ko. Kahit kasi importante ‘yun para kaya kong mahalin ang mga taong in the way (kaya ko), hindi po ako perpekto talaga pero pinipilit ko pong maging mabuting anak. Siguro po, mas gusto ko na lang mag-focus sa concert ni Mama at ni Papa,” saad ng dalaga.
Comments