Kerwin Espinosa, absuwelto sa Illegal Possession of Firearms and Explosives
- BULGAR

- Sep 5, 2023
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | September 5, 2023

Ibinasura ng Manila Regional Trial Court ang kasong paglabag sa Republic Act No. 9516 o Illegal Possession of Firearms and Explosives na isinampa laban kay confessed drug dealer Kerwin Espinosa.
Ang naturang kaso ay may kaugnayan sa isinagawang pagsalakay ng mga pulis noong 2016 sa kanyang bahay sa Sitio Tinago, Bgy. Binulho, Albuera, Leyte.
Binigyang bigat ng korte ang testimonya ni Marcelo Adorco laban kay Espinosa kung saan sinabi ng una na siya ay pinilit at pinagbantaan. Si Adorco ay bodyguard at driver ni Espinosa.
“The truth being is that he was the bodyguard and driver of Mayor Espinosa, especially during cockfights; that the firearms and ammunitions were all taken from the houses of Mayor Espinosa and that accused Kerwin has no knowledge about these,” ayon sa Manila RTC.
Ayon sa korte, kahit hindi pa nag-recant ng testimonya si Espinosa ay nabigo ang prosekusyon na mapatunayan na guilty si Espinosa.
Dahil sa pagkakaabsuwelto ni Espinosa, isa na lamang kaso ang nasa Baybay, Leyte kung saan, kamakailan ay pinayagan siyang makapagpiyansa sa paglabag sa anti-Money Laundering Act.
Matatandaang taong 2021, pinayagan ng Makati RTC Branch 20 ang isinampang demurrer to evidence plea ni Espinosa matapos na mabigo ang prosekusyon na mapatunayan na nagkaroon ng sabwatan sa drug trading.
Kasama ni Espinosa sina Adorco, Lovely Impal at Wu Tuan Yu alyas Peter Co sa paghahain ng mosyon.
Ang “demurrer to evidence” ay isang mosyon para hilingin na ibasura ang isang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.








Comments