top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Kelot na may 2 kaarawan, Disyembre ang dapat piliin

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | November 13, 2023


Dear Maestro,


Nais kong malaman kung ano ang masuwerte kong kulay, araw at petsa. Sa ngayon kasi dalawa ang ginagamit kong birthday. Isang September 4, 1988 at December 5, 1989. Alin sa dalawa ang dapat kong gamitin para suwertehin naman ako?

Umaasa,

Jordan ng Panilao, Pilar, Bataan


Dear Jordan,


Kung September 4, 1988, ang gagamitin mong birthday, lumalabas na ikaw ay isang Virgo na may birth date na 4 at may destiny number na 3, (9+4+1988=2001/ 20+01=21/ 2+1=3) 1+0=10/ 1+0=1).


Samantala, kung December 5, 1989 naman ang gagamitin mong birthday lumalabas na ikaw ay may zodiac sign na Sagittarius na may birth date na 5 at may destiny number na 8, (12+5+1989=2006/ 20+06=26/ 2+6=8).


Kaya kung dalawa ang birthday mo, mas okey na gamitin mo ang December 5, 1989, dahil bukod sa birth date na 5, ikaw din ay may destiny number na 8, na ang ibig sabihin ng numerong 5 at 8, magiging madali lang sa iyo ang kumita ng limpak-limpak na salapi, at susuwertehin ka rin pagdating sa negosyo o pangingibang-bansa, ngunit para maramdaman mo ang suwerte at magandang kapalaran, lagi kang magsuot ng kulay red, blue, gray, green, kulay ng mga metal at alahas na silver.


Bukod sa nasabing mga kulay, dapat ka ring magsuot ng silver na alahas na may mataas na kalidad.


Kapag nagsuot ka ng silver na kuwintas, singsing, bracelet at hikaw, mas madali mong mahihigop ang malaking suwerte at magandang kapalaran na tuluy-tuloy na darating sa iyo.


Kusa namang iigting ang mabuting mong kapalaran mula sa ika-21 ng Marso hanggang ika-27 ng Abril, mula sa ika-21 ng Hulyo hanggang ika-27 ng Agosto, gayundin mula sa ika-21 ng Nobyembre hanggang ika-27 ng Disyembre, higit lalo sa araw ng Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes.


At sa sandaling gamitin mo ang birthday na December 5, 1989 at lagi ka nagmamadali sa iyong pagkilos at pagpapasya. Tiyak ang magaganap, sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, uunlad at yayaman ka na sa edad mong 48 pataas.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page