top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

Kayod Pilipinas (Squash) medalya puntirya sa Asiad

Writer: BULGAR
BULGAR
23 hours ago
2 min read

by Gerard Arce @Sports News | September 15, 2026



Inaasahang mapapalakas ni Malaysian coach World No.5 squash player Wee Wern Low ang Kayod Pilipinas sa pagsabak sa Asian Games. (goforgoldphilippines)

Photo: Inaasahang mapapalakas ni Malaysian coach World No.5 squash player Wee Wern Low ang Kayod Pilipinas sa pagsabak sa Asian Games. (goforgoldphilippines)



Hangad na makapag-ambag ng medalya ang Kayod Pilipinas Squash National team na sasandal sa mga beterano at multi-medalist na manlalaro na hinasa na rin sa mga pandaigdigang kompetisyon na makakatapat ang mga bigating World ranked teams sa 20th Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan.


Maiging sinanay ni dating World No.5 squash player Wee Wern Low ang national squad na kakayod ng husto upang makamit ang medalya kasunod ng pinagdaanang matinding training camp kasama ang Japan at Thailand na ginanap sa National Squash Center sa Rizal Memorial Sports Complex.


Pinamumunuan ni Wee Wern ang programa ng Pilipinas simula noong 2024, kung saan kinikilala ni squash chief Robert Bachmann ang pamumuno sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng koponan habang naghahanda ang mga Pilipino para sa 2026 Asiad at sa pangmatagalang layunin na makapasok sa 2028 Los Angeles Olympics.


“The team trains daily under Coach Wee Wern Low, and we've kept them active in international competitions, plus we've hosted international events here locally,” pahayag ni Bachmann sa mensahe nito sa Bulgar Sports, na magbabawi sa tig-2 pilak at tanso sa nagdaang 33rd SEA Games sa Bangkok, Thailand.


Pangungunahan ni multiple SEAG medalist Reymark Begornia ang men’s squad na sasabak din sa singles event kasama si Van Aero Dalida, habang bubuo ang dalawa para sumubok sa Team Event katuwang sina David Pelino at Jonathan Reyes.


Umaasa si Bachmann na magiging malaking tsansa ng bansa para sa medalya ang Mixed Doubles squad kabilang sina Philippine’s No.1 player Jemyca Arebado katambal si David Pelino, gayundin ang duo nina Yvonne Dalida at Jonathan Reyes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page