Kaya tahimik ang relasyon... ENRIQUE AT LIZA, MAY DEAL NA SILA LANG ANG NAKAKAALAM NA SILA PA RIN
- BULGAR
- Sep 17, 2024
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | September 17, 2024

Dedma lang ang kampo ni Enrique Gil (Quen) sa mga anik-anik na tsika tungkol sa mga ganap niya. Wala itong sinabing kahit anuman hinggil sa isyu ng girlfriend niya (as most of their closest friends said) na si Liza Soberano.
For as long as maayos daw ang agreement ng dalawa patungkol sa nais nilang privacy, push lang sila sa status ng relationship nila.
Though natapos na ni Quen ang nai-shoot nilang movie sa Taiwan na MMFF entry sa December, busy ang aktor sa kanilang negosyo at mga out-of-town shows na natanguan niya.
Puro mga biyaheng Visayas at Mindanao ang provincial shows ni Enrique Gil dahil iyon na nga raw ang kalakaran ng mga celebrities sa ngayon.
BALITANG hindi lang food treat ang ibinigay ni Bea Alonzo sa staff and crew ng TV series niyang Widows’ War (WW). Mayroon din umanong mga special token na inihanda ang aktres para sa mga co-workers niya.
Appreciated naman daw ng lahat ang ginawa ni Bea na noon pa niya nakahiligang gawin.
“Naturalesa na ‘yan ni Bea. Lalo na ‘pag feel n’yang lahat ay nagpaparamdam ng tamang alaga,” sey ng nakausap namin.
The same source ay sinabi rin na Bea Alonzo just wants to play deadpan on the issue pitting her with Jodi Sta. Maria’s acting in a rival show.
“Ay, sus, ngayon pa ba magpapaapekto si Bea sa ganyan? She knows her capability and she simply respects co-actors who like her are competent and reliable,” ang dagdag pa ng ingleserang kausap namin.
BONGGANG-BONGGA naman ang naging pilot episodes ng The Clash (TC) at The Voice Kids Philippines (TVKP).
Feeling namin ay rumampa nang wagas sa ratings ang parehong weekend shows ng Kapuso Network. Common factor ng both shows si Julie Anne San Jose.
Sa TC, bongga ang tandem nila ni Rayver Cruz bilang mga hosts. At dahil regular singers ang naglalaban-laban every Saturday, hindi ito masyadong kakumpitensiya ng TVKP, dahil 'yun nga ay labanan naman ng kids sa Sunday timeslot.
Mas natutuwa lang siguro kami sa TVKP dahil ang kukyut ng mga bagets at very natural ang bantering nila with the coaches.
Nag-trending pa nga ‘yung isang kyut kid na piniling coach si Stell kahit hindi naman ito umikot sa kanya. Hahaha!
And yes, halatang enjoy na enjoy din si Papa Dingdong Dantes bilang host nito. ‘Yun nga lang, sa mga nasanay na sa dating TVKP, siyempre ay ookrayin nila ang version ng GMA-7 ngayon.
But all will agree ‘pag sinabi naming mas world-class ang stage at production ng GMA-7 ngayon.
Comments