Kaya napaaga ang pagbabalik ng komite… Sen. Lacson, nabahala sa pagbaliktad ng mga na-contempt sa Senado
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 12, 2026

Photo: File / Senate PH
Sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang dahilan kung bakit mas napaaga ang pagbabalik ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Enero 19.
Ayon kay Sotto, nag-aalala umano sila ni Senate Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga usap-usapan na recantation o pagbawi sa mga naunang pahayag ng ilang sangkot sa anomalya.
Ang komite na ito ay isang ‘Motu priprio’ dahilan upang hindi na kailanganin ng mga resolusyon, privilege speech, o anumang panukalang batas para magsagawa ng pagdinig.








Comments