Kaya may pa-psychiatrist na, nagpasaklolo pa sa pastor… VICE, PATUNG-PATONG ANG PROBLEMA SA MGA KAIBIGAN, PAMILYA AT NEGOSYO
- BULGAR

- Jul 3
- 3 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | July 3, 2025
Photo: Vice Ganda - IG
Kahit hindi nga pinangalanan o nagbigay man lang ng clue si Meme Vice Ganda sa identity ng isang male celebrity na diumano’y ‘nag-queerbait’ (nagpaparamdam ng pagka-beki pero hindi naman totoo) sa kanya noon, ang lahat ay nag-conclude na si Xian Lim daw ‘yun.
Maliban sa sinabi ni Vice na sumikat ito nang magkaroon ng ka-love team at ngayon ay wala na, lahat ng fingers ‘ika nga ay nakaturo kay Xian.
May tsika pa ngang baka nga diumano na-consummate ang anumang landian na naganap sa kanila before dahil nga sa mga tsismis na rin before (take note, before!) na ‘pumapatol daw’ si Xian.
Tsismis ‘yan dati, ha, kinaklaro lang natin, Ateng Janiz at mga Ka-BULGAR.
Anyway, dahil may magaling na netizen na nakapaglabas ng dati pang convo nina Vice at Xian (again, hindi ito solid proof, ha?) na tumutukoy nga sa nasabing landian nila bilang mga noo’y hurado sa It’s Showtime (IS), nag-wan-plus-wan na nga ang lahat na si Xian ang tinutukoy ni Vice.
Ang naturang ‘queerbaiting’ item ay napag-usapan sa vlog ni Meme Vice kasama ang mga kaibigang sina Kaladkaren, Iyah Mina at Sassa Gurl.
Speaking of Meme Vice Ganda, at least hindi kami nakuryente nang i-share namin sa aming personal vlog na Ambetable Channel last June 22 na totoo ngang may kinokonsultang mga experts in the field of psychology si Meme Vice at ang partner niyang si Ion Perez.
Nataon lang kasi na mas nabigyan namin ng pokus ang naging isyu nila nina MC Muah at Lassy na sobrang usapin nu’ng mga time na ‘yun.
Pero the fact na inamin nga ni Meme Vice na dumadaan sila ni Ion sa psychiatric and psychological consultation dahil sa mga kinakaharap nilang isyu, work related man o personal, confirms the story of our sources na ilan na nga rito ‘yung naging ‘battle’ niya with his friends, colleagues, family and business partners.
In fact, sinabi rin ng aming mga sources na bukod sa mga naturang eksperto, madalas ding nakikipag-usap sina Vice at Ion sa mga spiritual leaders o influencers at pastors.
Nababahiran nga lang talaga kasi ng negative impression ang mga naturang pagkonsulta dahil sa kulturang Pinoy, hindi naman talaga natin naging practice o ugali ang maglaan ng oras para hingan ng tulong ang mga usapin natin sa emosyon at utak dahil may stigma ngang ‘kabaliwan’ ang mga ganu’n.
Nakakaloka, ‘di vah!!!
MARAMI rin ang nagulat sa tila pagiging ‘patola’ na rin daw ni Anne Curtis sa mga bashers.
Although never nating nakilala si Anne na mahilig pumatol sa mga nega items, this time around ay tila nagpasampol na rin ito.
Nang may nang-bash kasi kay Anne hinggil sa panalo nito sa isang award-giving body bilang Best Female TV Host of the Year, tinaasan ito ng kilay ng marami dahil suwerte na nga raw na mapanood si Anne bilang female host sa It’s Showtime (IS) ng once a month.
“Naku, absentee host ‘yan, paanong nanalo ‘yan ng award?” komento ng mga bashers.
“It’s about quality over quantity,” simpleng tugon naman ni Anne sabay imbitang muli siyang mapapanood sa IS kinabukasan. Hahaha!
Sa amin, simple lang ang sagot. Dahil nga sa may ipino-promote na bagong pinagbibidahan na drama series si Anne, mas need niyang pag-usapan sa ngayon.
Talking about the 2020 Korean series na It’s Okay Not To Be Okay (IONTBO), pressured siyempre si Anne dahil siya ang bida rito kasama sina Joshua Garcia at Carlo Aquino at sina Rio Locsin, Agot Isidro, Enchong Dee at Xyriel Manabat among others.










Comments