Kawalan ng tamang disposisyon ng mga taong-gobyerno, masamang epekto ng COVID-19
- BULGAR

- Jul 9, 2020
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | July 9, 2020
Dispalinghado ang paglalabas ng impormasyon kaugnay sa COVID-19.
Hindi dapat pinagbabatayan ng “kung grabe o hindi grabe” ang virus—gamit ang datos kung ilan ang nagpositibo.
Mali ang ganyang iskema o sistema na ipinatutupad ng WHO, China at iba pang bansa!
◘◘◘
Hindi reliable ang naturang datos—at magbubunsod ito ng panic na siyang naganap at nagaganap sa buong mundo.
Ang resulta ng “swab o PCR” at rapid test—ay palpak na batayan.
Paano ang mga bansang walang kapasidad na makapag-test ng “sapat sa populasyon”, ibig sabihin—kakaunti ang bilang ng “positive sa kanilang bansa?
Paano naman ang mayayamang bansa na nagsasagawa ng “mass testing”, siyempre—mas marami ang resulta ng positive.
Ibig sabihin, mas grabe ang sitwasyon sa mga bansang may mass testing kumpara sa bansa na “walang mass testing”?
Nakakatawa talaga!
◘◘◘
Isang malaking kabaliwan ang naganap at napaniwala ng WHO ang buong daigdig—sa isang “palpak na senaryo” ng takot at lagim.
Ang biktima?
Ang ekonomiya ng buong daigdig.
Palpak ang nagpapakilalang eksperto ng WHO!
◘◘◘
Ang dapat binibilang at tinututukan ay ang “severe cases” at aktuwal na bilang ng “namatay”.
Ito ang tunay na batayan kung grabe o hindi grabe ang sitwasyon,.
Pero, dapat alisin sa bilang ng severe cases ang mga namatay na ——ang mga pasyenteng “may edad na at may ibang komplikasyon ng sakit.
Hindi dapat kasama ‘yan.
Kapag may dati nang sakit at mahina talaga ang katawan—kahit ano’ng sakit—ay maaaring mamamatay!
◘◘◘
Dumami ang bilang ng Covid—sapagkat—kahit sa ibang klase ng sakit namatay ang isang “tao”—kapag positive umano sa Covid—ay ibinibilang nila ito.
Malaking mali!
◘◘◘
Kahit nabundol ng trak ang ikinamatay pero matapos ang awtopsiya ay natuklasang positive sa COVID-19—ibibilang pa rin ito sa estatistika ng bilang ng casualty sa COVID-19.
Hindi rin totoo na walang gamot laban sa virus.
Ito ay dahil sa napakaraming recoveries kaysa sa bilang ng namatay!
◘◘◘
Hindi rin dapat ikinukumpara ang bilang ng namatay sa bilang ng nagpa-positive sa virus.
Ang bilang ng “namatay sa COVID-19” ay dapat inire-ratio o ikinukumpara sa bilang ng kabuuan ng populasyon.
‘Yan ang tamang estatistika gamit ang matematika!
◘◘◘
Mathematician ang kailangan ng Inter-Agency Task Force laban sa COVID-19—sila ang dapat nag-a-analisa ng datos, hindi ang “health experts”.
Karaniwang “bopol” sa math ang mga health executives—kasi hindi sila bihasa sa ganyang larangan!
◘◘◘
Isa pang kulang sa IATF ay mga psychiatrist at psychologist.
Napakaraming bilang ng mga tao—ay tulala, shocked, depressed at hindi makapagkatulog at hindi makakain.
Hindi pagkain ang kailangan sa kanila—dahil wala silang ganang kumain dahil sa laki ng “problema” dulot ng COVID-19!
◘◘◘
Kahit ang mga taga- Malacañang ay hindi nakatitiyak na sila ay nasa “wastong kaisipan”.
Delikadong mapahamak ang bansa ng mga ehekutibong “walang sa maayos na disposisyon”.
Maunawaan sana tayo ng mga kinauukulan!
◘◘◘
Malabo ang sitwasyon sa Pilipinas, sapagkat wala sa maayos na disposisyon ang mga nagdedesisyon.
Sila mismo ay biktima ng COVID-19.
‘Yan ang dahilan kung bakit—mahihirapang makabalik sa normal ang mga Pinoy.
Hindi normal ang mga nagdedesisyon!





Comments