Katiwalian, trabaho, murang bilihin, dapat tutukan ng gobyerno — survey
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 2, 2025

Photo: File / DA
Lumabas sa datos ng isinagawang pananaliksik ng Pulse Asia noong Disyembre 12 hanggang 15 na nais ng mga Pilipino na pagtuunan ng gobyerno ang mga presyo ng bilihin, katiwalian, at trabaho para sa mga Pinoy.
Sa datos, nangunguna ang pagnanais ng mga Pilipino na tutukan ng gobyerno ang pagbaba ng mga presyo ng bilihin tulad ng pagkain na nasa 38% habang sinundan naman ito ng pagnanais ng mamamayan na bigyang-pansin ang katiwalian na nasa 31%.
Pumapangatlo naman ang pagkakaroon ng maraming trabaho at pagkakakitaan para sa mga Pilipino na nasa 21% at napabilang din sa listahan ang pagkakaroon ng access sa maayos na edukasyon at health services.








Comments