top of page

Katiwalian at krimen, sabay na labanan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | September 14, 2025



Editorial


Habang abala ang marami sa pagpoprotesta laban sa korupsiyon, patuloy naman ang pamamayagpag ng mga magnanakaw, kidnapper, rapist at iba pang kriminal.


Hindi puwedeng puro sigaw lang tayo sa mga tiwaling opisyal, pero binabalewala natin ang mga kriminal na nasa tabi-tabi lang.


Dapat sabay ang laban. Habang nilalabanan natin ang katiwalian, huwag nating hayaan ang mga kriminal na malayang gumalaw. Hindi lang mga tiwaling opisyal ang dapat panagutin — lahat ng gumagawa ng ilegal, dapat habulin at ikulong.


Ang pagbabago ay nagsisimula rin sa lansangan kailangang maging alerto at magtulungan sa pagtutok sa lahat ng anyo ng kasamaan.


Sa huli, ang katiwalian at krimen ay hindi lamang mga hadlang sa dangal ng ating pagka-Pilipino. Kaya’t sa bawat pagkakataong mayroon tayong pagpipilian, piliin natin ang tama. Piliin natin ang laban para sa isang bansang malaya sa katiwalian at krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page