Katangian ng Taurus at Libra
- BULGAR
- Feb 2, 2022
- 3 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 02, 2022
Dear Maestro,
Ano ang kapalaran ng Taurus at ano ang masasabi n’yo tungkol sa zodiac sign na ito?
May 6, 1995 ang birthday ko, habang ang boyfriend ko naman ay October 3, 1994. Sana ay maanalisa n’yo rin ang kapalaran ng boyfriend ko at kung compatible ba kaming dalawa, gayundin kung kami na ang magkakatuluyan.
Umaasa,
Riza ng San Isidro, Pagsanjan, Laguna
Dear Riza,
Halos wala namang pagkakaiba ang Taurus at Libra, sapagkat may iisang planeta na naghahari sa zodiac sign nila at ito ay ang planetang Venus. Bagama’t mas praktikal ang Taurus, masyado namang ilusyunada ang mga Libra, lalo na sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Earth type sign kasi ang Taurus, habang air type sign naman ang Libra, kaya mas praktikal at tago ang arte ng mga Taurus kung ikukumpara sa Libra na lantad at mahirap mapigilan ang landi o sabihin nating malakas na sexual appeal.
Sa pag-ibig ay ganundin ang kadalasang nangyayari sa Taurus. Bagama’t nabibigo rin siya,
nagagawa niyang pagtakpan ito, kaya ang kanyang mga kabiguan ay hindi masyadong indahin, habang kapag in love siya, kayang-kaya niya itong itago. Hindi tulad ng Libra, kapag umiibig, hindi niya masawata ang kanyang mapaglaro at maharot na puso, kaya masasabing mas matinding ma-in love at magmahal ang mga Libra kung ikukumpara sa mga Taurus.
Kunsabagay, pareho lang silang nai-in love, malihim lang talaga ang mga Taurus, pero prangka at lantad ang mga Libra. May mga Libra rin namang nakokontrol ang kanilang sexual urges at emosyon, pero sila ay tumatandang dalaga.
Samantala, kapwa naman binibigyang-babala ng kapalaran ang Taurus at Libra na huwag mag-aasawa nang wala sa panahon o biglaan dahil posibleng mahiwalay ang Taurus sa kanyang asawa. Pero ang mas sigurado, kapag nag-asawa nang maaga ang Libra, dahil hindi siya gaanong nag-iisip, bagkus ay mas umiiral sa kanyang buhay ang emosyon at masidhing damdamin, kadalasang nahihiwalay sila sa kanilang asawa tulad ng kaibigan o bestfriend niyang Aquarius.
Habang ang bestfriend naman ng Taurus ay ang kapwa niya praktikal at may pagkatuso na Capricorn at Virgo, dahil silang tatlo ay pare-parehong under sa earth type sign.
Balikan natin ang Taurus at Libra na kapwa mahilig sa masasarap na pagkain at magaganda at romantikong mga bagay, kaya bihira sa kanila ang nakakaipon ng maraming-maraming pera.
Hindi kasi kayang hindi mag-ulam ng masarap ng mga Taurus at Libra, at palagi nilang gusto ay ang malalambot at makulay na higaan. Para bang sa kanila, ang mahiga sa isang elegante at malambot na kama ay katuparan ng lahat ng pangarap nila sa buhay. Ganundin ang mag-ulam ng masasarap at kumain sa mga sikat at mamahaling restoran.
Kaya kung hindi matutunan ng Taurus at Libra na mamuhay nang simple tulad ng Capricorn, na walang pakialam sa ganda at masarap na bagay, tiyak na yayaman at ganap na uunlad ang kabuhayan ng Taurus at Libra.
Tunay ngang ang kahinaan ng Taurus at Libra, tulad ng naipaliwanag na ay ang mga romantikong lugar at sikat o masasarap na pagkain. Kaya kung ang isang lalaki ay manliligaw sa Taurus o Libra, kailangang madala niya ang nasabing babae sa isang mamahalin, may violin na tumutugtog, may candle light at napakaromantikong restoran. Sa ganu’ng paraan, madaling mahuhulog ang puso ng nasabing babae na isinilang sa zodiac sign na Taurus at Libra.
Sa pag-ibig, liligaya ang mga Taurus at Libra, kung ang Libra ay makakatagpo ng kapwa niya air type sign na Gemini, Aquarius at kapwa niya Libra. Habang ang Taurus naman ay liligaya sa pag-ibig at relasyon kung kapwa niya earth type sign na Virgo, Capricorn at kapwa niya Taurus ang matatagpuan, higit lalo silang may mga birth date na 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27.
Favorable years naman ng mga Taurus at Libra ang mga taong 2022, 2023, 2024 at 2025, sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Pula naman ang pinakamapalad na kulay sa mga Taurus at Libra, na kinakatawan ng Planetang Venus, na sumisimbolo ng pag-ibig, kagandahan, matinding siklabo ng damdamin at masarap na pagtatalik.
Comments