ni Angela Fernando - Trainee @News | November 29, 2023
Naitala ang pagtaas ng kaso ng pneumonia sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila matapos magbabala ng pamahalaan patungkol sa pampublikong krisis sa kalusugan kaugnay ng COVID-19 sa 'Pinas.
Ayon sa isang opisyal, may ilang pasyente na sa PGH na kinakailangang tubuhan.
Pahayag ng tagapagsalita ng PGH na si Dr. Jonas del Rosario, matagal ang gamutan ng isang pasyente kapag ito ay naka-intubate at marami sa mga may kaso ng malalang pneumonia ang hindi basta makakapasok ng ICU.
Ilan sa mga sintomas ng nasabing sakit ay ang nahihirapan sa paghinga, sakit sa dibdib, at mahabang lagnat.
Malaking tulong umano sa mga kabataan at matatanda kung sila'y magpapabakuna kontra pneumonia.
Comments