top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 29, 2023



ree

Naitala ang pagtaas ng kaso ng pneumonia sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila matapos magbabala ng pamahalaan patungkol sa pampublikong krisis sa kalusugan kaugnay ng COVID-19 sa 'Pinas.


Ayon sa isang opisyal, may ilang pasyente na sa PGH na kinakailangang tubuhan.


Pahayag ng tagapagsalita ng PGH na si Dr. Jonas del Rosario, matagal ang gamutan ng isang pasyente kapag ito ay naka-intubate at marami sa mga may kaso ng malalang pneumonia ang hindi basta makakapasok ng ICU.


Ilan sa mga sintomas ng nasabing sakit ay ang nahihirapan sa paghinga, sakit sa dibdib, at mahabang lagnat.


Malaking tulong umano sa mga kabataan at matatanda kung sila'y magpapabakuna kontra pneumonia.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 19, 2021



ree

Nagpapagaling na ang PBA icon na si Robert Jaworski matapos siyang tamaan ng pneumonia noong nakaraang taon, ayon sa kanyang pamilya.


Sa official statement ng pamilya ni Jaworski, mababasang: “Last year, he was hospitalized due to a bout with pneumonia. He, however, tested negative for COVID-19.


Due to a non-life threatening blood abnormality that was discovered by his doctors in 2016, former senator Jaworski has experienced difficulty in regaining his strength, weight and normal well-being. "Despite this, he is making good progress and is slowly moving forward."


Noong March 8 ay nagdiwang ng 75th birthday ang basketball icon at nagpasalamat din ang pamilya ni Jaworski sa mga nagdasal para sa kanyang paggaling.


Ayon pa sa kanyang pamilya, “We would like to express our most sincere and heartfelt gratitude and appreciation to all those well wishers, and those that sent their greetings and tributes.


“Natuwa at napaligaya po ninyo ang aming ama. Maraming salamat po sa inyong lahat.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page