Kaso ng COVID-19 sa Pampanga Village nadagdagan ng 15
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 1 min read
ni Twincle Esquierdo - @News | July 6, 2020

Inanunsiyo ni Mayor Oscar Tetangco Jr. nitong linggo na muli na namang nadagdagan ng 15 ang kaso ng COVID-19 sa Barangay Capalangan sa Apalit, Pampanga.
Ayon pa dito ay ang bagong kaso ay kasama sa 48 close contact na kung saan ay na-test para sa sa COVID-19.
Idineklara ni Gov. Dennis Pineda na muling sasailalim sa lockdown ang Capalangan at sub-village ng Pulong Kawayan sa Barangay Sulipan.
Sinabi pa ni Mayor Tetangco sa mga residente na, “You can only go out if you need to buy essential items like food and medicines,”
Batay pa kay Mayor Oscar Tetangco Jr. ang 48 contacts ay na-expose sa 5 apektado ng COVID-19 na nahawa sa isang matandang babae na tinawag na Patient 140. Nahawa ang matanda sa kanyang anak na nagtratrabaho sa Maynila na bumisita sa kanyang noong Hunyo 12 hanggang 14 dalawang linggo bago sumapit ang Piste ni San Pedro.
Umabot na sa 21 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Capalangan lamang at 56 pa ang kailangan i-test dahil na-expose ito sa 15 katao na nagpositibo sa virus ang ilan sa mga ito sa malapit sa Barangay Sulipan.
Sinabi pa ni Mayor Oscar Tetangco Jr. na, “more serious strain” of coronavirus because this one was “locally transmitted fast.”
Nagbigay rin siya ng babala na ‘wag tularan ang ugali ng anak ng Patient 140 at tinawag niya itong “pabaya” dahil naiulat na pumunta ito sa isang inuman.





Comments