Search
  • BULGAR

Kaso ng ASF sa bansa, patuloy na tumataas

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Patuloy pa rin ang pagkalat ng African Swine fever (ASF) sa Pilipinas kahit na sinabi ng Pamahalaan na bumagal ang pagtaas ng bilang ng kaso ng mga ito dahil sa COVID-19 pandemic.


Ayon sa World Organization for Animal Health, nakapagtala ng bagong 20 outbreak ang bansa at nadagdagan pa ng 10,543 baboy sa listahan. Sa kabuuan, umabot na sa 309,387 ang mga namatay na baboy mula August 2019.


Batay sa bagong nakalap na datos, mayroon 4,711 kaso ng ASF sa Pilipinas.

Pinakamataas na bilang ng mga namatay na baboy sa Malasiqui Pangasinan na may 3,018, sumunod dito ang San Carlos City sa 1,933 at Pamplona Camarines Sur sa 1,170. Wala namang naitalang bagong kaso sa ibang lugar.


Ang bagong outbreak ay namataan sa Tanay at Antipolo City Rizal, samantalang nakapagtala naman ng 336 bagong namatay sa Botolan Zambales.


Bukod pa rito, may mga bagong kaso rin ng ASF ang naitala sa bayan ng Calasiao, Alaminos, Anda at Bolinao Pangasinan. Mayroon din sa Los Baños Laguna, Pinagbayan Quezon, Sto. Tomas La Union, Ramon Isabela, Banaue at Haliap sa Ifuagao, Naga, San Fernando, Canaman at Gainza sa Camarines Sur.


Sinabi ng Department of Agriculture na nakapaglabas na sila ng Php733 milyon para aksiyunan ang ASF.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.