top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kasalan, pahiwatig ng nakasakay sa puting kabayo

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 13, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 13, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Malabon City.


Dear Maestra,

Napanaginipan ko na nakasakay ako sa puting kabayo, tapos enjoy na enjoy ako sa pagpapatakbo nito. Pabilis nang pabilis ang takbo ng kabayo, tapos bigla akong nahulog.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Robert


Sa iyo, Robert,

Ang ibig sabihin ng nakasakay ka sa puting kabayo at enjoy na enjoy ka sa pagpapatakbo nito ay malapit ka nang ikasal sa karelasyon mo. Ang bigla kang nahulog dahil mabilis ang takbo ng kabayo ay nangangahulugan na makakaranas ka ng hindi kanais-nais na mga pangyayari. Magkakaproblema ka sa mga taong nakapaligid sa iyo.


Samantala, mabuti na lang, puting kabayo ang napanaginipan mo dahil kung itim na kabayo ito, hindi maganda ang kahulugan nito — maaaring masangkot ka sa gulo at hahantong ito sa demandahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page