top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kasalan ng mag-BF na Sagittarius at Leo, sure na next yr.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 27, 2020
  • 1 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 27, 2020



Dear Maestro,


Medyo may edad na ako ngayon dahil 32-anyos na ako. May boyfriend naman ako ngayon at niyayaya na niya akong magpakasal. Isinilang siya noong August 16, 1989 at December 11, 1988 naman ako. Compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan? Kung oo, magiging successful at magiging maligaya ba ang bubuuin naming pamilya?

Umaasa,

Loraine ng Pantoc, Aliaga, Nueva Ecija

Dear Loraine,


Ayon sa zodiac sign mong Sagittarius at Leo naman ang boyfriend mo, kapwa kayo pinaghaharian ng elementong fire o apoy, na ngangahulugang ayon sa Western Astrology, tunay ngang compatible kayo ng iyong boyfriend.


Gayundin, ang birth date mong 2 o 11 (ang 11 ay 1+1=2), habang 7 o 16 naman ang boyfriend mo, (ang 16 ay 1+6=7) dahil kapwa weak number ang 2 at 7 na kapwa rin may ruling planet na Moon at Neptune, na may elementong water, tulad ng nasabi na, hindi lang kayo sa Astrology compatible kundi maging sa birth date o sa pag-aanalisang Numerology.


Ibig sabihin, tugma at suweto talaga ang inyong relasyon, kaya siguradong kayo na ang magkakatuluyan at magsasama. Ayon sa inyong Love Calendar, nakatakdang mangyari sa 2021 sa edad mong 32 kung saan ang nasabing pag-aasawa ay nakatakda na ring magdulot ng successful at maligayang pagpapamilya habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page