Karnaper, timbog sa checkpoint

@Balitang Probinsiya | December 24, 2020
MAGUINDANAO—Isang karnaper ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa checkpoint sa Bgy. Sadaan, Midsayap.
Kinilala ang suspek na si Hernie Mabalo, residente ng Bgy. San Roque, Zamboanga City.
Ayon sa ulat, habang nagmamando ng checkpoint ang mga aworidad ay napadaan ang itim na Toyota Fortuner na minamaneho ni Mabalo at nang beripakahin ang sasakyan ay napag-alamang karnap ito at ang nagngangalang Mustapha Bansil ang nagmamay-ari ng behikulo.
Dahil dito, agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong carnapping.



Comments