top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kapos na sa gadget, napakabagal pa ng internet... Online class, pahirapan talaga!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 26, 2020



Hindi malaman ngayon kung namatay sa COVID-19 ang bigtime inmate na si Jaybee Sebastian o siya ay pinatakas.


Ganyan talaga ang isang alamat!


◘◘◘


Gumagrabe ang baha sa China.


Sa ‘Pinas, nakahanda kaya ang Metro Manila sa panibagong “Ondoy”?


◘◘◘


Kani-kanyang inobasyon ang mga TV personalities.


‘Yan ang bagong normal!


◘◘◘


Walang katiyakan kung matutuloy pa ang Tokyo Olympics.


‘Yan ay palaisipan pang-isport!


◘◘◘


Patuloy ang pagdami ng bilang ng COVID-19 positive sa US.


Nakapagtataka, wala naman doon si Health Sec. Duque?


◘◘◘


Malapit nang magkaroon ng bakuna laban sa COVID-19, may pambili kaya ang Pilipinas?


Naubos na ang budget dahil sa pagbili ng mga sardinas!


◘◘◘


Pinayagan nang lumabas ng bahay ang mga obrero.


Ang problema, sarado ang mga pabrika at negosyo!


◘◘◘


Ang mga naglakas-loob na magbukas muli ng negosyo—nalulugi at malamang magsarado ulit nang kusa.


Wala na kasing datung ang mga nagsisigalang tao!


◘◘◘


Ang mga obrerong tinawag na magbalik sa trabaho—hindi rin makapasok sa mga gate.


Hinihingan sila ng resulta ng COVID-19 test, pero wala silang pambayad!


◘◘◘


Online class ang gagamitin sa school opening.


‘Yung 10 magkakapatid na nag-aaral, paano aawatin ni Nanay sa royal rumble sa computer?


◘◘◘


‘Yung masuwerteng apat na kapatid na may kani-kanyang computer—paano makakasagap ng signal sa mabagal na telecom?


Ano ang pambabayad nila sa malaking bolyum ng “data”?


Waley!


◘◘◘


‘Yung mahihirap na nakabili ng computer, hindi rin magagamit sa online.


Kasi’y sobrang bagal dahil sa sobrang hina ng CPU at memory!


◘◘◘


Dapat maging praktikal ang decision makers ng DepEd.


Dapat din silang maging “teknikal”!


◘◘◘


Kapos si P-Digong ng mga modernong adviser.


Welcome kayo sa aking opisina.


He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page