Kapitbahay ni Pope Francis, nagpositibo sa COVID-19
- BULGAR

- Oct 18, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 18, 2020

Isang lalaki na naninirahan din kagaya ni Pope Francis sa Vatican residence ang nagpositibo sa test sa COVID-19, ayon sa report ng Vatican. Hindi naman binanggit ang pagkakakilanlan ng lalaki na ayon sa kanya, wala siyang nararamdamang sintomas ng sakit.
Umalis na ang infected na lalaki sa Santa Marta residence, Vatican at sumailalim na ito sa isolation kabilang ang iba pa na nagkaroon ng direct contact sa kanya, base sa pahayag ng Vatican.
Nauna rito, may isa ring residente sa Vatican residence, na may 130 rooms at suites, ang nagpositibo sa test sa Coronavirus noong March sa kasagsagan ng pandemya na tumama sa Italy subali’t nakarekober na ito sa virus.
Samantala, si Pope Francis, na ang bahagi ng kanyang baga ay inalis nang magkaroon ng sakit noong binatilyo pa lamang sa Argentina, ay regular na sumasailalim sa testing para sa COVID-19.
Patuloy ang isinasagawang iskedyul ni Pope Francis tuwing Sabado. Tumatanggap lamang ito ng tatlong bisita na inilalagay sa magkakahiwalay na lugar bilang private audience at ang pakikipag-usap niya sa mga Italian police.
Isang maliit na city-state ng Rome ang Vatican na may naitalang iilang kaso ng Coronavirus sa kabuuang bilang na 24 confirmed cases.
Ayon pa sa inilabas na pahayag ng Vatican, ang tatlong Vatican residents na nagpositibo sa test kamakailan ay nakarekober na sa sakit.





Comments