top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Kapit lang mga tsuper

  • BULGAR
  • Mar 12, 2022
  • 1 min read

@Editorial | March 12, 2022


Next week, sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng fuel subsidies sa mga drayber at operator ng public utility vehicles (PUVs).


Ito ay dahil nai-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo.


Aabot sa P2.5 bilyon ang ini-release ng DBM para sa mga drayber ng PUVs habang P500 milyon naman ang fuel subsidy sa mga public transport utility sa sektor ng agrikultura.


Aabot sa P6,500 ang matatanggap ng bawat 377,000 na kwalipikadong drayber ng jeepneys, UV express, taxis, tricycles, at iba pang full-time ride-hailing at delivery services sa buong bansa.


Samantala, ipamamahagi naman ng Department of Agriculture (DA) ang P500 milyon sa mga magsasaka at mangingisda na mayroong fishery machinery o mayroong farmers organization o kooperatiba.


Inaasahang unang bugso pa lang ito dahil inaprubahan na ang doble-ayuda. Bilang kapalit, iniatras naman ang hirit na pisong dagdag-pasahe.


Kaya kapit lang, unti-unti ay malalampasan din natin ang sitwasyong ito.


Hangga't maaari ay maging kalmado, mas lawakan pa ang pang-unawa at magtiwala sa proseso.


Marami na tayong nalampasang kalamidad, trahedya at krisis, ngayon pa ba tayo susuko?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page