Kapalpakan sa pagbabakuna, ‘wag na sanang maulit
@Editorial | July 01, 2021
Pinag-uusapan pa rin ang sablay na pagbabakuna na nangyari kamakailan, kung saan ang ang bakuna ay naitusok pero hindi naiturok.
Ang insidenteng ito sa Makati ay nangyari rin umano sa Mandaluyong, na agad din umanong naiayos ng mga health workers na nakatalaga sa lugar.
Nauunawaan natin ang inis at pagkabahala ng publiko sa insidenteng ito, gayunman kailangan din nating ikonsidera ang posibilidad na pagod na rin talaga ang mga health workers.
Sa pagkakataong ito, dapat ding mabigyang pansin ang working conditions ng mga health frontliners.
Samantala, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na iniimbestigahan na nila ang nasabing sablay na pagbabakuna.
Kaya ang paalala sa lahat ng vaccinator, maging maingat at extra attentive sa pagbabakuna.
Hindi ito dapat ipagsawalang-bahala, sa halip ay mas kailangang tutukan ang iba pang pagkukulang at higit sa lahat, pag-aralan kung paano pa mas mapagbubuti ang kabuuan ng pagbabakuna.



Comments