top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kandidatong pasaway sa health and safety protocols, sampolan agad

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 11, 2022
1 min read

@Editorial | February 11, 2022



Kasabay ng pag-arangkada ng kampanya para sa Halalan 2022, mahigpit ang paalala sa lahat na palaging sundin ang mga panuntunan sa gitna ng pandemya.


Ang mga pasaway sa health and safety protocols ay papatawan umano ng karampatang kaparusahan ng Commission on Elections (Comelec).


Kabilang sa mga panuntunan, guidelines at protocols sa pangangampanya ay ang mahigpit na pagbabawal sa pagsisiksikan o pagtitipon ng malaking grupo ng mga tao, gayundin ang pagpasok sa mga bahay, paghalik, pakikipagkamay, pagyakap sa publiko at maging ang pakikipag-selfie sa mga supporters.


Bagama’t may ilang kandidato na humihirit na payagan na ang selfie dahil mahirap maiwasan at maaari umanong hindi na angkop sa kasalukuyang sitwasyon.


Batid natin na patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 at talagang mas maluwag na ang ating galaw.


Kaya ang palaging paalala sa lahat, hindi lang sa mga kandidato at supporters, palaging sumunod sa protocols, puwedeng ma-excite o matuwa pero bawal makalimot at makampante.


Maaaring ito na ang simula ng ating pagbawi sa lahat ng naidulot ng pandemya.


Unti-unti na tayong bumabalik sa ‘ika nga’y sirkulasyon ng buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page