Kanang palad, mananaig kaya sure na yayaman
- BULGAR
- May 28, 2022
- 3 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 28, 2022

KATANUNGAN
Sabi n’yo, yayaman ang mga taong may straight Head Line. Pero magkaiba ang kaliwa at kanan kong palad dahil straight Head Line ang nasa kanan kong palad, pero sloping naman ang nasa kaliwa kong palad.
Ano ang ibig sabihin nito, yayaman din ba ako balang-araw?
KASAGUTAN
Ibig sabihin ng magkaibang Head Line (H-H arrow a. at b.) sa kaliwa at kanang palad ay nagsasabing, noon ay hindi mo masyadong iniisip ang tungkol sa salapi o pagpapayaman, ‘ika nga, hindi ka mukhang pera (Drawing A. H-H arrow a.).
Subalit dahil sa hirap ng buhay at dahil lumalaki na ang iyong mga anak at malapit na silang mag-college, gayundin, nakita mong kapag nagkakasakit nang matindi ang mga tao ay pera ang pangunahing kailangan, at kamakailan ay sumasagi na rin sa isip mo ang magpayaman (Drawing B. H-H arrow b.) o magkaroon ng sapat na ipon upang magamit ng mga anak mo sa kolehiyo at upang magamit n’yo ring mag-asawa sa emergency at magkaroon din ng savings o security para sa future, iba na ang iyong pananaw sa buhay.
Ganu’n ang ibig sabihin kapag magkaiba ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a. at b.) sa kaliwa at kanang palad. Ang nasa kaliwa, ‘yan ang nakatakda mong kapalaran o “latent destination”. Kumbaga, ang mga guhit sa kaliwang palad ay nand’yan lang, natutulog o nag-aantabay kung ipapatupad o hindi ng indibidwal ang “apparent destination” niya na nasa guhit ng kanang palad.
Ibig sabihin, sa kasalukuyan ay nagma-manifest o lutang na lutang sa iyong kalooban ang mag-isip, magplano at gumawa ng paraan upang magkaroon ng maraming-maraming pera o sa madaling salita ay nagmumukhang pera ka na. Kaya naman naging straight ang Head Line (Drawing B. H-H arrow b.) sa kanan mong palad, habang nanatiling sloping Head Line (Drawing A. arrow b.) sa kaliwang palad.
Ang tanong ngayon, ano ang mananaig, kaliwang palad na hindi mukhang pera o hindi sumasagi sa isip niya na magpayaman o ang kanang palad na nagmumukhang pera ngayon dala ng pangangailangan ng pamilya?
Para malaman kung ano ang mananaig sa dalawang palad, kailangang mahaba, mataba, at mas malaki ang unang bahagi ng hinlalaki kaysa sa ikalawang bahagi. Katulad ng iyong hinlalaki, higit na mataba, well pronounced at malaman ang unang hati (arrow c.) kung ikukumpara sa ikalawang hati (arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa kasalukuyan, may “will power” ka upang tuloy-tuloy mong maipatupad ang iyong apparent destination – ang pagyaman.
Ang pag-aanalisang ito ay kinumpirma rin ng iyong square type hand, firm o spongy kapag sinalat, malaman, tumatalbog-talbog, puno ng enerhiya at kaunti lang ang guhit. Sila ang mga indibidwal na tulad mong may kakayahang ipatupad ang nakaguhit sa kanan nilang palad kahit nagdadalawang-isip o may takot pa ang kaliwang palad upang pitasin ang tagumpay at pag-unlad, habang ang kanan ay buong-buo na ang loob upang marating at makamit ang tagumpay at kasaganaan.
MGA DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Cherry, natakda sa iyo ang mangarap, ang hindi masyadong maging mukhang pera. Ito ang ibig sabihin ng sloping Head Line (Drawing A. arrow a.) sa kaliwa mong palad, pero hindi ‘yun ang gustong puntahan ng kanang palad, kaya nagkaroon ito ng straight Head Line (Drawing B. H-H arrow b.).
Kumbaga, ayaw niyang sumunod sa nakatakda dahil ang gusto niyang gawin ay magmukhang pera, maging materyoso, praktikal at sa bandang huli, ito ang masusunod, kaya ikaw ay nakatakdang umunlad at yumaman sa taong 2028, sa panahong nakatapos nang lahat ang iyong mga anak sa kolehiyo. Gayundin, sa edad mong 52 pataas, matutupad na ang kagampanan ng iyong kapalaran — ang straight Head Line (Drawing B. H-H arrow b.) sa kanan mong palad, malinaw na tanda ng malaki at masaganang pagyaman.




Comments