top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kamot-ulo na naman sa oil price hike

BULGAR
Mar 7, 2022
1 min read

@Editorial | March 7, 2022


Muli na namang sasakit ang ulo ng lahat dahil sa nagbabadyang panibagong taas-presyo sa petrolyo.


Kailangang kumapit nang matindi dahil sa pagtataya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng P5.30 hanggang P5.50 ang presyo ng kada litro ng diesel, P4.00- P4.10 ang kerosene at P3.60-P3.80 naman ang maaaring ipatong sa presyo ng gasolina.


Ang napipintong price increase ay bunsod umano ng paggalaw sa presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.


Kung sakaling ipatupad, ito na ang ikasampung bugso ng oil price hike ng mga kumpanya simula noong Enero.


Nitong Marso 1 huling nagtaas ng P0.90 sa presyo ng gasolina, P0.80 sa diesel at P0.75 naman sa kerosene.


Kung kada linggo ay may oil price hike at walang solusyon ang gobyerno, paano na?

Sana ay makagawa na ng paraan ang kinauukulan sa problemang ito.


Huwag nang hintayin na tuluyang lumala ang sitwasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page