top of page
Search
  • BULGAR

Kalusugan ng mga mag-aaral, mas dapat tutukan

@Editorial | January 17, 2022



Kasabay ng 'health break' sa mga titser at estudyante, dapat ding pag-aralan ang mga magiging sistema kung paano mas mapangangalagaan ang kalusugan ng bawat isa.


Isang grupo ng mga manggagawang pang-edukasyon ang humikayat sa gobyerno na magkaroon ng mas mahusay at epektibong tugon sa muling pagbubukas ng mga paaralan sa gitna ng pandemya.


Ang pinakalayunin ay masigurong ligtas ang muling pagbubukas ng mga klase.


Hinimok din ng grupo ang gobyerno na palakasin ang diskarte sa test-trace-treat strategy, gayundin ang pagpapabilis sa programang bakunahan, lalo na sa mga rural areas upang makontrol ang Omicron surge at ilatag ang mga kondisyon para sa ligtas na face-to-face classes.


Nanawagan para sa mas mahusay na mga hakbang sa kalusugan sa mga paaralan at ang pagbibigay ng proteksiyon sa kalusugan at mga benepisyo sa mga guro at empleyado.


Dapat ding maipaunawa sa mga estudyante, lalo na sa mga bata ang kahalagahan ng pag-iingat laban sa COVID-19 at iba pang sakit.


Ituro natin sa kanila ang wastong pangangalaga sa kalusugan at ang pagsunod sa mga panuntunan.


Magandang diskarte rin ang pagtuon sa mga kinakain ng mga mag-aaral. Panahon na para sa mas istriktong pagbabawal sa junkfoods.


Tayo ring mga magulang, sana'y maging mabuting ehemplo. Ipakita natin sa kanila kung paa o alagaan ang sarili para hindi basta nagkakasakit.


Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ang magsisilbing pundasyon para sa ating pagharap sa pang-araw-araw na pamumuhay.


Huwag nating hayaang manghina ang kabataan. Kailangan natin silang mas palakasin para mas may laban sa kanilang hinaharap.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page