top of page

Kalusugan ingatan, super busy man… Nutrisyong kailangan ng mga babaeng walang pahinga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26, 2020
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 26, 2020




Ang mainam na nutrition habit ng working women ay kaiba sa nutrisyon na kailangan ng isang bata. Ito’y bunga na rin ng kakaiba niyang lifestyle, ang palagiang pagpasok sa trabaho ngayong may pandemya, hantad sa polusyon at stress na nakaaapekto sa kalusugan at pagkatao at maging sa pagtaas sa tsansa na mahantad sa anumang uri ng sakit. Sila ang mga taong madaling kapitan ng karamdaman.


Narito ang nutritional guidelines para sa kailangang eating habits upang mapangalagaan ang espesyal na pangangailangan habang kayod-kalabaw sa trabaho.


1. PLANUHIN AT IKONSUMO ANG BALANSENG DIYETA SA IBA’T IBANG URI NG PAGKAIN. Kailangang bigyang atensiyon ang kinakain at sapat na nutrisyon lalo na kung buntis at nagpapasuso. Kung kakain ng fastfoods pumili ng masustansiyang uri at tingnan ang sangkap na nilalaman.

2. FORTIFIED FOODS SA ADULTS. Kung kailangan basahing mabuti ang food labels. Kung ipinapayo ng eksperto, uminom ng nutritional supplements.

3. LIMITAHAN ANG PAGKAIN NG MAALAT. Upang maiwasan ang altapresyon o pagtaas ng presyon ng dugo. Sa halip ay gumamit ng iodized salt imbes na rock salt.

4. UGALIIN ANG KALINISAN SA PALIGID MAGING SA SARILI. Palaging kumain ng malinis at ligtas na pagkain, uminom ng malinis na tubig upang malayo sa bacteria at virus.

5. TIYAKIN NG BABAE ANG SAPAT NA VIT. B COMPLEX SA DAILY DIET. Upang maiwasan ang araw-araw na stress. Ang vit. B ay nakapagdaragdag ng metabolism o pag-angat sa sustansiya ng pagkain upang tumaas ang enerhiya at matulungan na mapaglabanan ang fatigue lalo sa panahon ng tensiyon. Ang mga dahon ng gulay, kangkong at saluyot ay mayaman sa riboflavin habang ang dark green vegetables ay mainam na sources ng niacin.

6. MAGING ANG KALALAKIHAN AY DAPAT DING UMINOM NG 8-12 BASO NG TUBIG ARAW-ARAW upang lumabas ang toxins na nakaimbak sa katawan, ang tubig ang nagpapa-rehydrate sa katawan, nagpapalusog at nagpapabata ng balat.

7. ANG VITAMIN C SA PANAHON NG PANDEMYA AY DAPAT NASA 1,000 MG ARAW-ARAW. Mainam din sa malambot at youthful looking face sa kabila rin ng malalang polusyon. Kumunsumo rin ng alkaline water at pagkain araw-araw na mas mataas sa acidity level ng coronavirus tulad ng saging, green lemon, yellow lemon, avocado, bawang, mangga, tangerine, pineapple, watercress at oranges.

Ito rin ang magpapalakas sa immune system na tumutulong upang humusto ang natural na resistensiya ng katawan laban sa sipon at impeksiyon na karaniwan na nangyayari kapag ang katawan ay napapagod.

8. HINAY-HINAY LANG SA TABA AT MAKOLESTEROL NA PAGKAIN. Gaya ng butter,mani, taba ng hayop upang maiwasan ang panganib ng sakit sa puso.

9. DAGDAGAN ANG INTAKE NG CALCIUM UPANG MAIWASAN ANG OSTEOPOROSIS. Na komon sa lahat ng kababaihan pagtanda nila. Lahat ng dairy products tulad ng gatas, keso, baked products na may itlog ay mainam na pinagkukunan ng calcium.

10. ANG LIGTAS NA KARNE SA KATAWAN. Gaya ng walang tabang karne, atay, itlog at seafoods na may taglay na zinc. Tumutulong ang zinc na umibayo ang protina at genetic material na kailangan ng katawan. Ito rin ang nagpapalakas sa hormonal activity, pag-ibayo ng produksiyon at pagpapadede ng babae.

11. ANG BALANSENG DIYETA, REGULAR NA EHERSISYO AT SAPAT NA TULOG AY PERPEKTONG SOLUSYON UPANG MABAWASAN ANG STRESS. At maiwasan din ang fatigue lalo na sa working women.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page