top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaliwa't kanan man ang problema, laban lang!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2021
  • 1 min read

@Editorial | December 20, 2021



Hindi pa man tayo tuluyang nakakabawi sa matinding epekto ng pandemya, kasalukuyan na naman tayong may kinahaharap na panibagong problema, ang hagupit ng Bagyong Odette.


Aabot sa 700,000 katao ang naapektuhan ng bagyo, kung saan nasa 74,480 pamilya naman ang mga nasa evacuation center ngayon at nangangailangan ng tulong.


Ang masaklap, maraming bayan ngayon sa Visayas at Mindanao ang walang kuryente at wala ring masagap na signal o internet.


Samantala, personal na ring nagsagawa ng aerial inspection kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Surigao, Maasin, Leyte at iba pang lugar na nasalanta ng bagyo.


Kaugnay nito, aabot sa P2 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa relief assistance sa mga biktima ng Bagyong Odette.


Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, naka-prepositioned na rin ang mga family food packs at iba pang non-food items na nagkakahalaga ng P1 bilyon.


Puspusan na rin aniya ang ginagawang clearing operations ng Department of Public Works and Highways sa mga natumbang puno at poste para madaanan ang mga kalsada.


Bagama’t napakahirap isipin kung paano magsisimula mula sa wala, alam nating makakabangon pa rin ang lahat.


Maraming bagyo na ang dumaan sa ating bansa, marami na tayong pinagdaanan na bagama’t talagang sumubok sa ating kakakayan at paniniwala, nagdulot pa rin naman ito ng dahilan para mas maging matatag.


Likas sa mga Pinoy ang katatagan, babangon tayo sa kahit anumang dahilan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page