Kakulangan sa Guidance Counselor, gawan ng paraan
- BULGAR

- Aug 15, 2024
- 1 min read
by Info @Editorial | August 15, 2024

Batay sa isang pag-aaral, itinuturing na pinakamalungkot sa buong mundo ang mga Pilipinong estudyante dahil sa epekto ng bullying. Isa umano sa nakikitang dahilan ay ang kakulangan ng guidance counselor sa bansa.
Bago kasi maging isang guidance counselor, kinakailangan munang magkaroon ng master’s degree, bagay na nakikitang problema ng opisyal.
Napag-alaman na kulang ng 5,000 guidance counselor ang ‘Pinas, kaya naman gagawa umano ng pansamantalang solusyon ang DepEd, CHED, at Civil Service Commission upang matugunan ang nasabing isyu.
Batid natin na ang papel ng guidance counselor ay napakahalaga. Ngunit, sa kabila ng lumalaking pangangailangan, ang Pilipinas ay patuloy na nahaharap sa kakulangan ng sapat na guidance counselor sa mga paaralan.
Sila ang nagsisilbing tagapayo sa mga problema tulad ng depresyon, anxiety, at iba pang mental health issues na nararanasan ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng tamang gabay at payo, natutulungan nila ang mga estudyante na harapin ang kanilang mga personal na problema at magdesisyon ng tama.
Sa madaling salita, mahalaga na bigyang pansin ng pamahalaan at ng sektor ng edukasyon ang pangangailangan para sa mas maraming guidance counselors.
Kailangan ding bigyan ng sapat na pondo ang mga programa na magsasanay at magbibigay ng sapat na sahod sa kanila upang mahikayat ang mas marami pang mga propesyonal na pumasok sa larangang ito.
Sa huli, ang pagtugon sa kakulangan ng mga guidance counselor ay isang hakbang patungo sa mas makatao at makabuluhang sistema ng edukasyon para sa lahat.



Comments