top of page
Search

Kakapusan sa school principal, matutuldukan na

BULGAR

by Info @Editorial | Feb. 14, 2025



Editorial

Kamakailan nang lumabas ang ulat kaugnay ng kakapusan sa principal sa mga pampublikong paaralan.


Bilang tugon, magtatalaga ang Department of Education (DepEd) ng 15,000 school principals upang matugunan ang mga bakanteng posisyon sa mga public school sa bansa.


Matatandaang, binanggit ng DepEd na 55% ng mga pampublikong paaralan sa Pilipinas ay kasalukuyang walang principal na dulot ng ilang mga salik kabilang na ang mababang passing rate sa National Qualifying Examination for School Heads (NQESH), mataas na turnover ng mga tauhan, kakulangan ng mga kuwalipikadong kandidato, mabigat na mga proseso, at ang kawalan ng maayos na mentoring, coaching, at formal na mga induction programs para sa mga principal.


Mag-iisyu rin ang ahensya ng mga interim guidelines upang matiyak na ang mga principal na itinalaga sa mga opisina ay makakabalik sa kanilang mga itinalagang paaralan upang magampanan ang kanilang mga tungkulin.


Ang isang principal ay hindi lamang isang administrador, siya rin ang lider na gumagabay sa buong pamamahala ng paaralan. 


Kaya naman, ang pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga principal sa mga paaralan ay isang napakahalagang isyu na hindi dapat balewalain.


Tandaan natin, ang edukasyon ay isang pundasyon ng progreso, at ang isang mahusay na pinamumunuan at sapat na suportadong paaralan ay magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa mga kabataan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page