top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng zebra at dinapuan ng bangaw

BULGAR
Aug 20, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 20, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Delaila ng Zambales.


Dear Maestra,


Pang-apat na pagsangguni ko na ito sa inyo tungkol sa aking panaginip. Nasisiyahan kasi ako sa pag-aanalisa n’yo ng mga panaginip dahil tamang-tama ang kahulugan na sinabi n’yo noon tungkol sa panaginip ko, kaya gusto ko muling malaman ang kahulugan ng aking panaginip. Napanaginipan ko na nasa gubat ako, tapos may nakita akong zebra at libang na libang ako rito. Tapos may dumapo namang bangaw sa kamay ko at ang laki nito, at aali-aligid sa akin hanggang sa dumapo ito sa kamay ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip kong ito?


Naghihintay,

Delaila


Sa iyo, Delaila,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakita kang zebra sa gubat ay dapat kang maging maingat, mapagmatyag at talasan ang iyong pakiramdam dahil may nagbabantang panganib sa buhay mo. Nagbabalak ng hindi maganda ang mga lihim mong kaaway, na akala mo ay mga tapat na kaibigan.


Samantala, ang bangaw ay nangangahulugan na makakatanggap ka ng magandang balita mula sa abroad. Posibleng mangibang-bansa ka at du’n na makatagpo ng magandang trabaho na may malaking suweldo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page