top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng wall clock at naligo

BULGAR
Mar 1, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 1, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosalie ng Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nagregalo sa akin ng wall clock, tuwang-tuwa ako dahil malaking tulong ito upang hindi ako mahuli sa aking pinapasukan, tapos inilagay ko ito sa sala namin at naisipan kong maligo, kaya agad akong pumasok sa banyo.


Pagkatapos kong maligo, may nakita akong kaunting labahin kaya nilabhan ko na rin ang naturang mga damit. Paglabas ko sa banyo, tiningnan ko kung ano’ng oras na, hindi na gumagana ang wall clock kaya hindi ko malaman ang oras.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rosalie



Sa iyo, Rosalie,


Ang ibig sabihin ng wall clock ay kasaganaan at pag-unlad sa kasalukuyan mong buhay. Kung may negosyo ka, ito ay nagpapahiwatig na kikita ito nang husto. Nangangahulugan din ito na magiging maligaya ka sa binabalak mong pag-aasawa.


Subalit ang sabi mo ay tumigil ang oras sa wall clock, ito ay nangangahulugan na dapat kang mag-ingat sa iyong pagpapasya dahil sa isang pagkakamali lang, ang tinatamasa mong suwerte ay biglang maglalaho at mapapalitan ng pagkabigo.


Samantala, ang pumasok ka sa banyo upang maligo ay nagpapahiwatig naman na masyado kang nag-aalala sa problema ng ibang tao. Ang nilabhan mo ang maruming damit na nakita mo sa banyo ay nagpapahiwatig na matatagpuan mo ang iyong sarili na patuloy na tumutulong sa mga mahal mo sa buhay na wala nang maaasahan kundi ikaw.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page