top of page

Kahulugan ng uwak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 11, 2024
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 11, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jhun ng Camarines Sur.

 

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nangongolekta ako ng kung anu-ano. Tulad ng mga prutas at gulay, maski ang damit na ukay-ukay ay kinokolekta ko rin. Samantala noong nakaraang araw, napanaginipan ko na nakakita ako ng uwak. Binaril ko ito, bumagsak sa lupa at kalaunan ay namatay.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,Jhun

Sa iyo, Jhun,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nangongolekta ka ng mga prutas at gulay ay uunlad na ang buhay mo sa darating na mga araw. Kung mga ukay-ukay na damit naman ang iyong kinokolekta ito ay nagpapahiwatig na dapat kang umiwas sa gulo.


May nagbabantang gulo sa buhay mo. Talasan mo ang iyong pakiramdam. Maging mapagmatyag sa kapaligiran upang ‘di masangkot sa kaguluhan.


Samantala, ang nakakita ka ng uwak ay senyales na may lihim kang kaaway na handa kang pabagsakin anumang oras mula ngayon. Ang binaril mo ang uwak, bumagsak sa lupa at namatay ay tanda na magagapi mo ang iyong kaaway. Hindi sila magtatagumpay sa masama nilang binabalak laban sa iyo.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page