Kahulugan ng university at nakita si bf na may kasamang iba
- BULGAR
- Sep 29, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 29, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flory ng Zambales.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na pumunta ako sa dating university na pinapasukan ko, malapit na sana ako sa dating kong room, nang nakarinig ako ng mga boses, ang ingay at nagkakagulo sila.
Samantala, nakita ko ru’n ‘yung dyowa ko na may kasamang ibang babae, pinagtataksilan umano ako.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Flory
Sa Iyo, Flory,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa university na dati mong pinapasukan, ay kikilalanin ka sa inyong lugar, at makakatanggap ka ng karangalan.
Ang nakarinig ka ng mga boses, ang ingay at nagkakagulo, ay senyales na aanyayahan ka bilang maging guest speaker sa isang pagtitipon. Magiging masaya ang nasabing event, at mag-e-enjoy ka.
Samantala, ang nakita mo ‘yung dyowa mo na may kasamang ibang babae, pinagtataksilan ka, kabaligtaran ang kahulugan nito, dahil ito ay tanda na mahal na mahal ka ng dyowa mo. Tapat siya sa iyo, hindi rin niya magagawang pagtaksilan ka, at pakakasalan ka niya sa takdang panahon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments