Kahulugan ng umiyak sa takot dahil sa away ng mga magulang
- BULGAR
- Oct 5, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 5, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosy ng Batangas.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na iyak ako nang iyak at takot na takot ako dahil nag-away ang mga magulang ko. Sinaktan ng papa ko ang mama ko dahil sa sobrang selos at binantaan niyang papatayin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rosy
Sa iyo, Rosy,
Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na iyak ka nang iyak. Ito ay nangangahulugan ng kaligayahan na malapit mo nang maranasan, kung saan magiging masaya ka na sa darating na mga araw.
Ang takot na takot ka dahil nag-aaway ang mga magulang mo ay nagpapahiwatig na may kaibigan ka na nagbabalak gumawa ng hindi kanais-nais laban sa iyo. Dahil d’yan, maging maingat ka sa pakikitungo sa iyong mga kaibigan dahil karaniwan sa kanila ay naiinggit sa kalagayan mo.
Samantala, ang sinaktan ng papa mo ang mama mo at binantaang papatayin dahil sa tindi ng selos ay nangangahulugan na labis ang pag-aalala at pagkabalisa ng ama mo sa inyong negosyo. Makakaranas ang mga magulang mo ng pansamantalang pagkalugi, pero makakabawi rin sila agad at muli kayong uunlad.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments