Kahulugan ng umakyat sa puno ng niyog
- BULGAR

- Jul 28, 2020
- 1 min read
ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 28, 2020
Salaminin natin ang panaginip ni Albert na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Umakyat ako sa puno ng niyog, tapos ang dami kong nakuhang bunga. ‘Yung iba ay hinulog ko sa lupa at ‘yung iba ay hawak ko hanggang makababa ako. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Albert
Sa iyo Albert,
Tree of life ang tawag sa coconut tree dahil halos lahat ng parte ng niyog ay napakikinabangan ng tao. Ang iba kasing mga puno, hindi lahat ng parte o bahagi ay may benepisyo para sa tao.
Sa iyong panaginip, ang coconut tree ay tree of success. Oo, iho, ito ay simbolo ng tagumpay ng isang tao.
Sa mundo ng pananagumpay, ito ay aakyatin, kaya maririnig natin, tuktok ng tagumpay, rurok ng tagumpay at bundok ng tagumpay. Ito ay nagpapahiwatig ng pag-akyat.
Samantala, sa mundo ng panitikan o literatura, ang success ay inaakyat ng mga bida kung saan bago makarating sa itaas ay mapapalaban muna sila sa kung anu-anong nilalang, at siyempre, kailangang talunin nila ang mga ito.
Sa ganitong katotohanan nabuo ang isang susi ng tagumpay na sinasabi ng maraming life coaches na “Ang matatapang at buo ang loob ang magiging successful.”
Kaya kapag binalikan natin ang iyong panaginip, nakaakayat at nakababa ka, gayundin, may dala kang mga niyog at sa ibaba, may mga bunga na inihulog at naghihintay sa iyo.
Sa madaling salita, taglay mo ang tapang at lakas ng kalooban para mapabilang sa mga taong magkakaroon ng matagumpay na buhay.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo







Comments