Kahulugan ng tumakas at lumutang ang katawan
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 5, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rodolfo ng Camarines Norte.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na tumatakas ako sa isang remote area. Tapos maya-maya, lumutang ang katawan ko sa ere.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
Naghihintay,
Rodolfo
Sa iyo, Rodolfo,
Medyo kakaiba ang panaginip mo dahil parang may super power o superhero ka dahil sabi mo ay lumutang ka.
Gayunman, ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na tumatakas ka sa isang remote area ay malalagay ka sa isang sitwasyon na madadamay ka sa kaguluhan, pero makakaligtas ka at malulusutan mo ang nasabing gulo.
Samantala, tungkol naman sa lumutang ang katawan mo sa ere, nagpapahiwatig ito na mabibigo ka sa first love mo dahil may iba na pala siyang mahal.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments