Kahulugan ng telescope, halaman na may tinik at korteng halimaw
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 14, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donita ng Zambales.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na may hawak akong telescope, tapos sumilip ako rito at nakakatakot ang nakita ko. May mga halamang puro tinik at korteng halimaw, tapos umiyak at humagulgol ako nang malakas dahil sa tindi ng takot.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Donita
Sa iyo, Donita,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may hawak kang telescope at sumilip ka rito ay makakatanggap ka ng balita mula sa malayong lugar o galing sa ibang bansa at malaki ang magiging epekto nito sa future mo.
Samantala, ‘yun namang nakakatakot ang nakita mo sa telescope, ito ay nagpapahiwatig na may nagbabalak na pabagsakin ka o sirain ang iyong reputasyon dahil sa tindi ng inggit niya sa iyo.
Ang halaman na puro tinik at korteng halimaw ay nangangahulugan na ibayong pag-iingat ang dapat mong gawin sa araw-araw mong pamumuhay at pakikisalamuha sa mga tao.
Ang umiyak ka at napahagulgol nang malakas sa tindi ng takot ay nagpapahiwatig na mapagtatagumpayan mo ang mga pagsubok sa buhay. Kaligayahan ang madarama mo at yayayain mo ang iyong mga kaibigan dahil hindi mo sukat akalain malalagpasan ang matinding pagsubok sa iyo ng tadhana.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments