top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng talaba at gumawa ng sawsawan

BULGAR
Sep 23, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 23, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumili ako ng talaba sa palengke, tapos pagdating sa bahay, naghiwa ako ng maraming sibuyas para ilagay sa suka, na siyang gagawin kong sawsawan ng talaba. Nasarapan ako sa sawsawan na ginawa ko, kinain ko rin ang sibuyas na inilagay ko rito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorna


Sa iyo, Lorna,


Ang bumili ka ng talaba sa palengke ay nagpapahiwatig na dapat kang maging pasensyosa sa darating na mga araw. Iwasan mong mapikon agad sa mga biro ng kaibigan mo dahil may babala na mapapasubo ka sa away kung magiging pikon ka at mainitin ang ulo.


Nagpapahiwatig din ito na magiging mabagal ang katuparan ng mga plano mo, pero huwag kang mainip. Tiyaga at pasensya ang kailangan mo upang magtagumpay sa buhay.


Samantala, ang naghiwa ka ng maraming sibuyas upang ilagay sa suka na gagawin mong sawsawan ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng kaunting kaguluhan sa loob ng iyong tahanan.


‘Yung kinain mo ang sibuyas ay nangangahulugang mawawalan ka ng gamit sa loob ng iyong bahay, pero makikita mo rin agad ito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page