top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahulugan ng sunog at napaso sa baga

  • BULGAR
  • Dec 30, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 30, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jess ng Olongapo.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagkasunog sa lugar namin at nadamay ang bahay namin. Buti na lang, nakalabas agad kami ng mga magulang ko, pero napaso ang kamay ko dahil nahawakan ko ‘yung pinto na mayroong kaunting baga.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jess


Sa iyo, Jess,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nagkasunog sa lugar n’yo at nadamay ang inyong bahay, pero nakalabas kayo agad ng mga magulang mo. Ito ay nangangahulugan na may malaking suwerte na naghihintay sa iyo, kung saan papalarin ka sa susunod na mga araw. Magkakapera ka at tuluyan nang mahahango sa hirap, at yayaman ka na.


Samantala, ang napaso ang kamay mo dahil nahawakan mo ‘yung pinto na may baga ay halos pareho rin ang ibig sabihin. May magandang kapalaran na naghihintay sa iyo sa darating na mga araw. Pagpapalain ka na sa iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page