Kahulugan ng sumakay sa tren at matagal ang biyahe
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 19, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessy ng Nueva Viscaya.
Dear Maetra,
Isa ako sa mga humahanga sa pag-aanalisa n’yo ng mga panaginip, kaya gusto ko ring magpaanalisa sa inyo. May balak akong magtrabaho sa abroad, may kaugnayan ba ang panaginip ko sa binabalak ko?
Napanaginipan ko na sumakay ako sa tren dahil may pupuntahan akong malayong lugar. Walang bus na papunta ru’n, kaya sa tren ako sumakay. Ang bagal ng tren, kaya matagal bago ko narating ang pupuntahan ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jessy
Sa iyo, Jessy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sumakay ka sa tren ay mapipilitan kang tumira sa malayo sa siyudad dahil sa iyong pag-aasawa nang hindi ka pa handa. Titira kayo ru’n ng asawa mo at magiging anak sa loob ng mahabang panahon.
Samantala, ang ibig sabihin ng mabagal ang tren, kaya matagal bago ka nakarating sa pupuntahan mo ay hindi maganda ang buhay na kakaharapin mo sa susunod na mga araw. Ito rin ay nangangahulugan na hindi na matutuloy ang balak mong pagtatrabaho sa abroad.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments