top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahulugan ng sumakay ng tren at ipinabunot ang ngipin

BULGAR
Mar 13, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 13, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carlito ng Talavera, Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Balak kong mag-abroad ulit, kaya gusto kong malaman kung ang panaginip ko ay may kinalaman sa balak kong pangingibang-bansa.


Nasa terminal ako ng train, nagmamatyag lang ako hanggang naisipan ko na ring sumakay sa tren at biglang sumakit ang ngipin ko. Nang huminto ang tren, naisipan ko nang bumaba at humanap ng dentista para ipinabunot ang aking ngipin.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Carlito



Sa iyo, Carlito,


Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na nasa terminal ka ng tren, nakamasid o nagmamatyag ay pagbabago ng tirahan sa lalong madaling panahon. Ang sabi mo ay naisipan mo na ring sumakay sa tren, nangangahulugan naman ito na matatali o pipirmi ka sa isang lugar, alang-alang sa bubuuin mong pamilya o buhay may-asawa. Dahil d’yan, hindi matutuloy ang balak mong pangingibang-bansa.


Samantala, ang kahulugan naman ng sumakit ang ngipin mo ay may dadaluhan kang event at masisiyahan ka sa pagdalo mo sa naturang event. ‘Yun namang pinabunot mo sa dentista ang ngipin mo ay nagpapahiwatig na lilipat ka ng bagong tirahan at lilipat ka rin ng ibang trabaho.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page