Kahulugan ng snow, naulanan at nagkasakit
- BULGAR
- May 25, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 25, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Capiz.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na umulan ng snow sa amin at naulanan ako habang palakas ito ng palakas ay naging snowstorm na ito. Nagkasakit ako dahil sa lamig na naramdaman ko, at tila ba’y pinasukan ng lamig ang buong katawan ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jonathan
Sa iyo, Jonathan,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umulan ng snow sa inyo ay kaunlaran, kasaganaan at kaligayahan. Ang naging snowstorm, ay nangangahulugang makakaranas ka ng mga hadlang sa iyong pangarap. Gayunpaman, maiiwasan mo ito, dahil yayaman at uunlad din ang iyong pamumuhay.
Samantala, ang nagkasakit ka, pinasukan ng lamig ang katawan mo, ay senyales na may papadating na problema sa iyo. Masasangkot ka sa gulo pero mareresolba mo rin ito, at may posibilidad na maiwasan ito kung gagamitin mo ang iyong isip at talino.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments