- BULGAR
Kahulugan ng sinuot ang kuwintas na bigay ng yumaong ermat
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 2, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Anna ng Zambales.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko tungkol sa aking ina.
Binigyan niya ako ng mamahaling kuwintas at isinuot ko ‘yun agad, pero bigla akong nalungkot dahil matagal nang patay ang nanay ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Anna
Sa iyo, Anna,
Kung ang nanay mo ay nagpakita sa panaginip, gayung matagal na siyang patay, ito ay nangangahulugan na gagaan na ang buhay mo at matatapos na ang mga pagtitiis mo.
Ang mamahaling kuwintas naman na ibinigay sa iyo ng nanay mo ay nangangahulugan ng mabilisang pag-aasawa sa lalaking mayaman at may mataas na posisyon sa kanyang pinapasukan. Ibig sabihin, ikaw ay mag-aasawa nang hindi mo inaasahan.
Samantala, ang bigla kang nalungkot dahil patay na ang nanay mo, pero nagpakita pa rin siya sa iyong panaginip, ito ay nagpapahiwatig na paparating na ang suwerte sa buhay mo. Kasaganaan, kaunlaran at tagumpay sa buhay ang mararanasan mo sa mga susunod na araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna