top of page

Kahulugan ng sementeryo at may nakitang kalansay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 4, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 4, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Betong ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagpunta ako sa sementeryo, naglakad ako dahil malapit lang sa bahay namin ang pantiyon, nang may nadaanan akong mga buto at bungo ng tao.


Inabot na ako ng dilim sa sementeryo, at gabi na rin ako nakauwi ako.


Ano’ng ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Betong


Sa iyo, Betong,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa sementeryo, naglakad ka ay dapat ka nang lumipat ng ibang kumpanya dahil may lihim kang kaaway sa pinapasukan mo ngayon. May binabalak siyang hindi maganda laban sa iyo.


Ang may nadaanan kang buto at bungo ng tao ay nangangahulugang may mamanahin kang malaking halaga mula sa mahal mo sa buhay.


Ang inabot ka na ng dilim sa sementeryo ay nagpapahiwatig na kailangan mo ang tulong ng iyong matalik kaibigan. Puwede mo siyang lapitan sa problemang kinakaharap mo ngayon.


Samantala, ang gabi ka na nakauwi ay paalala na hindi mo agad makakamit ang inaasam-asam mong tagumpay. Mayroon pang mga hadlang bago mo maisakatuparan ang iyong mga binabalak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page