top of page

Kahulugan ng salamin sa mata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | February 17, 2022



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Laura ng Sorsogon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nabasag ang suot kong salamin, kaya pansamantala ko itong hindi isinuot, pero sa totoo lang, hindi pa naman ako nagsusuot ng salamin. Balak ko pa lang magsuot nito dahil medyo lumalabo na ang mga mata ko.


Kagabi ay nanaginip na naman ako na may salamin ako at hindi ko ito tinatanggal.


Palagi ko itong ginagamit dahil ‘pag inalis ko ay hindi na ako makakakita.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Laura



Sa iyo, Laura,

Ang ibig sabihin ng nabasag ang suot mong salamin ay makakaranas ka ng kaunting kabiguan sa buhay. Hindi naman ito grabe at kayang-kaya mo itong lagpasan.


Ang sabi mo, sa totoo lang ay hindi ka pa talaga gumagamit ng salamin at nagbabalak ka pa lang. Nagpapahiwatig ito na may posibilidad na maghiwalay kayong mag-asawa kung hindi malulunasan agad ang inyong problemang pampamilya.


Samantala, ang ibig sabihin naman ng may salamin ka na at hindi mo ito tinatanggal at ‘pag inalis mo ay hindi ka na makakakita, ito ay nagpapahiwatig na magkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ng mga minamahal mo sa buhay.


Kaya ang maipapayo ko sa iyo, huwag mo nang ipagpaliban pa ang inyong problema, sa halip ay ayusin at solusyunan mo agad bago mahuli ang lahat.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page