top of page

Kahulugan ng puti at dilaw na damit

  • BULGAR
  • Apr 7, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 7, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Eloisa ng Taguig.


Dear Maestra,


Isa akong tagahanga ng column n’yo tungkol sa mga panaginip. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na pumunta ako sa isang shopping mall, tapos nagustuhan ko ‘yung nakadispley na damit. Linen ang tela nito, at isang puti at isang dilaw. Pareho kong isinukat ‘yung damit at bagay na bagay sa akin ang mga ito, kaya pareho kong binili. Pagdating ko sa bahay, pumunta agad ako sa aking aparador para i-hanger ‘yung nabili kong damit, pero hindi ko makita ‘yung susi dahil nawawala ito. Hinanap ko nang hinanap ‘yung susi hanggang nakita ko ito at nabuksan ko ang aparador.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Eloisa



Sa iyo, Eloisa,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng dalawang damit na linen sa shopping mall, ang isa ay kulay puti at ang isa naman ay dilaw, ang puti ay nangangahulugang makakatanggap ka ng hindi inaasahang magandang balita. Matutuwa at magugulat ka sa nasabing balita. Habang ang dilaw naman ay nagpapahiwatig ng agarang pagbago tungo sa ikauunlad ng iyong buhay. Ito rin ay nangangahulugan na may mamanahin kang malaking halaga mula sa kamag-anak mo na namayapa na.


Samantala, ‘yung hindi mo makita ang susi ng aparador mo, pero naka-lock ito, daranas ka ng mga pagsubok sa buhay. Ngunit dahil nakita mo ang susi at nabuksan mo ang aparador, nangangahulugan ito na mapagtatagumpayan mo ang mga pagsubok sa buhay. Matutupad mo ang iyong mga pangarap.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page