Kahulugan ng puno, aso at kalapati
- BULGAR
- Mar 12, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 12, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Berting ng Candelaria, Quezon.
Dear Maestra,
Isa ako sa maraming tagasubaybay ng inyong kolum. Madalas akong managinip, pero hindi ko naman alam kung ano ang ipinahihiwatig ng mga ito kaya naisipan kong magpaanalisa sa inyo ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na nasa isang liblib na pook ako at nakaupo sa ilalim ng puno. Maganda, malaki at maraming dahon ang puno kaya nasarapan kong mamahinga sa ilalim nito. Tapos may dumating na aso at tinahulan ako nang tinahulan at walang tigil sa pagkawag ang buntot niya. Mayroon ding donkey sa dako pa roon at may mga kalapati rin akong nakita.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Berting
Sa iyo, Berting,
Ang ibig sabihin ng maganda, malaki at maraming dahon na puno ay kasaganaan at kaunlaran sa buhay. Yayaman ka na at sasagana sa iyong pamumuhay.
Samantala, ang donkey naman ay nangangahulugan na may kaibigan ka na hindi pala totoong kaibigan. Mabait siya ‘pag kaharap mo, pero sinisiraan ka naman ‘pag ikaw ay nakatalikod. Ang kalapati naman ay nagpapahiwatig ng napakalaking pagpapala at kasaganaan ang malapit nang mapasaiyo dahil susuwertehin ka sa darating na mga araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments