top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng pumunta sa gubat at pinana ang ibon

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 16, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Deogracias ng Tarlac.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa gubat, tapos may dala akong pana. May nakita akong ibon, pinana ko ito, pero hindi tinamaan. May dumaan ulit na kawan ng mga ibon, muli kong pinana at may tinamaan akong isang ibon.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Deogracias



Sa iyo, Deogracias,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na hindi mo tinamaan ang ibon na pinana mo ay maraming hadlang sa mga plano mo sa buhay.


Samantala, ang sabi mo ay may dumaan ulit na kawan ng ibon, pinana mo ito at tinamaan mo ang isang ibon. Ito ay nangangahulugan na sa wakas, makakamit mo na rin ang iyong pinakamimithi sa buhay. Gayundin, malalagpasan mo ang mga pagsubok, gaanuman ito kahirap.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page